Blog Entrythings to ponder in Baguio...Mar 18, '08 7:33 AM
for everyone

Sa baguio, na-realize ko na…

J  kailangang kumpleto ang medicine kit mo ng mga gamot sa pagkahilo, sakit ng ulo, vitamins, kontra hyper acidity, at kontra LBM.

J cool na patugtugin sa kotse ang bossa version ng carpenters songs at rock and roll CD ni RJ Jacinto.

J  mahirap palang manood ng dvd sa sasakyan pag nasa pinakalikod ka nakaupo.

J  for lesser zigzags, and lesser hilo’s, take marcos highway (o avenue ba?) instead of kennon road.

J  may transient house pala na mukhang bahay. With matching garden pa ang drama.

J  wala yatang stock ng Regent Tempura snack sa mga stopovers papuntang Baguio.

J  Masayang tignan ang mga taong tulog habang nasa mahabang biyahe.  It makes me wanna pick up my camera and take shots of them.

J  perfect spot ang Baguio for frustrated photographers like me. Lalo na ang UP Baguio, Camp John Hay at Wright Park.

J  Nakakaumay din pala pag puro park ang isang lugar.

J  Ma-traffic din pala sa Baguio.

J  Lahat halos ng bagay sa mga tourist spots sa Baguio ay may bayad. Ang libre lang ay ang free taste.

J  May “re-formatting” na naganap sa Strawberry Field.

J  makaka-experience ka na biglang may tga Baguio na makikisali sa picture niyo tapos hihingan ka ng bayad.  Parang appearance fee.  Parang ganun.

J  Hindi lang pala sa Mines View Park may asong St. Bernard. Meron din sa Burnham Park at Botanical Garden.  Ngunit mas pinili ng mga kasama ko na sa Botanical Garden magpakuha ng picture kasama ang aso dun dahil yung aso sa Burnham Park ay kulang sa pakain at vitamins. Matamlay kasi.

J  Pwede din palang makalibot sa Baguio na walang kasamang tour guide. All you need is a map courtesy of Caltex, presence of mind, and cute face (sandata para sa pagtatanong sa mga tao ng direksyon).

J  Maganda ang campus ng UP Baguio at SLU.

J  Ayaw na talaga ng tita ko ng peanut brittle.

J  gumuguhit sa lalamunan ang bugnay wine. At dabest talaga ang strawberry wine.

J  astig kumain ng strawberry taho. May kasama pang real strawberry fruits in ever sip (comes with a straw).  Try mo!

J  panalo sa lasa ang MikaSan choco flakes. Comes with pure chocolate and mixed white and pure chocolate variants.

J  may sosyal palang nagtitinda ng souvenir shirts dun sa La Trinidad. Inglisero eh. Napabili tuloy ako.

J  Wala palang aircon sa mall area ng SM Baguio. Tipid sa kuryente!

J  matagal magluto ng French fries sa potato corner sa SM Baguio.

J  madaming Koreanong namamasyal pala sa Baguio.  Sabi ng mga kasama ko buti hindi ako napahalo sa kanila. Toink!

J  anlabo ng ibang souvenirs na nakadisplay. Lalo na yung keychain na medyo hindi wholesome ang anyo. Alam niyo na kung ano yun. Baka ma warningan ako  ng MTRCB eh. Mahirap na.

J  mahirap tawaran ang mga tindero/a sa Mines View Park at sa Botanical Garden.

J  nakakasawa pala kahit masarap ang isang pagkain, pag 3 days straight ito lang ang pagkain mo (example: chicken pork adobo).

J  hindi ko kayang subukang maligo sa Baguio nang walang heater.

J  Muntik nang sirain ni Manny Pacquiao ang family affair naming sa Baguio! Hmmmmp!  PM me for more details.

J  masarap magbasa ng libro at mag muni muni sa Baguio.

J  Masaya talagang kasama ang pamilya kahit saang lugar sa Pilipinas at mundo, kahit sa bahay lang.

Saan kaya ang next stop ko?

Abangan!


Add a Comment
   
© 2010 Multiply   About · Blog · Terms · Privacy · Corporate · Advertise · Translate · API · Contact · Help

Modified from Mediterranean by John Whittet.
Originally on the CSS Zen Garden.
Used and Modified with permission from the author.